-- Advertisements --
Tiniyak ng Poland na palalakasin nito ang kooperasyon sa Pilipinas sa sektor ng Agrikultura.
Ito ang inihayag ni Polish Chargé d’affaires Jaroslaw Szczepankiewicz sa pakikipagpulong kay DA Senior Undersecretary Domingo F. Panganiban.
Tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapalawak sa agricultural trade at iba pang posibleng kolaborasyon sa market access, in livestock, rubber, pili nuts, at fisheries products.
Bukod dito, nagpahayag rin ang polish diplomat ng intensyon na mai-accredit sa Pilipinas ang kanilang poultry exporters lalo na sa mechanically deboned meat (MDM).