-- Advertisements --
Dead on the spot ang isang konsehal na binaril-patay ng isang riding-in-tandem sa San Antonio, Nueva Ecija.
Kinilala ng kapulisan ang biktima na si Roberto Carpio na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo.
Sa ulat, katatapos lamang na maghatid ng biktima ng kaniyang apo sa eskwelahan sakay ng isang motorsiklo nang mangyari ang naturang krimen.
Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing krimen upang alamin kung ano ang posibleng naging motibo sa nasabing pamamaslang.