Inatake ng isang lalaking armado ng patalim na hugis pekeng baril ang komedyanteng si Dave Chappelle habang nagtatanghal ito sa Los Angeles.
Sa ulat ng pulisya, habang tinatapos ng komdyante ang kanyang set sa “Netflix Is A Joke” comedy festival sa hollywood Bowl ay biglang umakyat sa stage ang isang lalaking mula sa audience atsaka siya itinulak nito dahilan para mapahiga si Chappelle sa lupa.
Pagkatapos nito ay tumakbo patungo sa backstage ang salarin kung saan naman siya nahuli ng mga security guards doon.
Bugbog saradong isinakay sa ambulansya ang salarin na kinilalang si Isaiah Lee, 23 taong gulang, na hanggang ngayon hindi pa rin nalalaman ang motibo ng mga ito sa ginawang pag-atake.
Hindi pa rin malinaw ngayon sa mga pulis kung sinubukan bang gamitin ni Lee ang dala-dalang pekeng baril na naglalabas ng patalim sa ginawa nitong pag-atake kay Chappelle.
Mahaharap sa kasong felony assault with a deadly weapon si Lee.
Magugunita na kamakailan lang ay umani ng samu’t-saring pagtutuligsa si Chappelle matapos ang kanyang transphobic joks.
Hindi naman siya nasugatan sa naturang insidente.