-- Advertisements --
Pumanaw na ang komedyante at game-show host na si Louie Anderson sa edad 68 dahil sa cancer.
Ayon sa kaniyang publicist na noong nakaraang mga araw ay dinala siya sa pagamutan sa Las Vegas para matanggal ang cell lymphoma.
Subalit matapos ang pananatili ng ilang araw sa pagamutan ay hindi na nito nakayanan ang nasabing sakit.
Ang three time Emmy Award winner ay nakilala bilang supporting actor sa comedy series na “Baskets”.
Tumayo ang Minnessota native bilang abogado sa batang napapariwara.
Nakasama rin ito sa pelikula ni Eddie Murphy sa “Coming to America” noong 1998 at naging host ng game show na “Family Feud” mula 1999 hanggang 2002.