Kapwa nagkasundo ang Pilipinas at United Kingdom na magkaroon ng kolaborasyon para sa defense at investment ng dalawang bansa.
Ito ay sa ginawang courtesy call ni United Kingdom Prime Minister’s Trade Envoy to Philippines Richard Graham kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa tanggapan ng Department of National Defense.
Dito ay sumentro rin ang talakayan ng dalawang opisyal sa mga usaping may kaugnayan sa security challenges, kabilang na ang isyu sa West Philippine Sea, at iba pang mga potensyal na pagkakaroon ng kolaborasyon ng dalawang bansa sa defense at investment.
Kapwa nagpahayag ng interes ang magkabilang panig na magsagawa ng joint ventures kasama ang British investors atiba pang uri ng kooperasyon para sa pagsuporta sa Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program.
Samantala, kaugnay nito ay binigyang-diin naman ni Defense Sec. Teodoro ang kahalagahan ng nilagdaang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation ng PH-UK at gayundin ang nagpapatuloy na pagpapatibay pa sa bilateral defense relationship ng dalawang bansa.
Habang ipinunto naman ni Mr. Graham sa kaniyang panig ang layunin ng UK para sa mas malapit na defense ties sa ating bansa sa gitna ng mga kasalukuyang global climate and geopolitical concerns na nararanasan sa panahon ngayon.
Kaalinsabay nito ay muli rin pinagtibay ng UK ang commitment nito na pakikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa nito sa ilalim ng kanilang “Protect, Alighn, and Engage” framework ng 2023 Integrated Review Refresh na national security at international strategy document ng United Kingdom.