-- Advertisements --

Umabot sa overtime ang bakbakan sa pagitan ng New York Knicks at Cleveland Cavaliers sa Game 1 ng Eastern Conference Finals.

Gumawa ang Knicks ng 32-18 run sa ika-4 na quarter upang habulin ang Cavaliers at maipasok ang laro sa overtime.

Pagpasok ng OT, agad bumuhos ang Knicks ng magkakasunod na field goals at kumamada ng 14 puntos sa loob ng limang minuto. Sa panig ng Cavaliers, tatlong puntos lamang ang naitala (14-3).

Pinangunahan ni Knicks guard Jalen Brunson ang matagumpay na comeback sa kanyang 38 puntos, 6 assists, at 3 steals.

Bagaman nalimitahan sa 13 puntos ang bigman na si Karl-Anthony Towns, nakapagtala pa rin siya ng 13 rebounds, 1 block, at 1 steal.

Hindi umubra ang tandem nina Donovan Mitchell at James Harden dahil sa mahigpit na depensa ng New York. Sa pagtatapos ng laban, nagtala si Mitchell ng 29 puntos, 5 rebounds, at 6 steals, habang si Harden ay may 15 puntos, 4 rebounds, at 1 block.