Pinangunahan ni Jordan Clarkson ang New York Knicks matapos makapagtala ng season-high na 27 points, 17 dito ay mula sa huling 16 minutes, kung saan pinadapa ang Utah Jazz, 134-117 sa Salt Lake City.
Matapos makakuha ang Jazz ng 18 point sa unang kalahati ng laro, nagpakitang-gilas ang Knicks sa second half kung saan nagtapos sa isang 53-27 run, na nagputol sa dalawang sunod nilang pagkatalo at nagdala sa kanila sa 2-2 sa limang larong road trip.
Bukod kay Clarkson, nag-ambag din sina Jalen Brunson ng 28 points, OG Anunoby ng 22 points, at Karl-Anthony Towns ng 21 points, habang may 10 points naman si Mohamed Diawara mula sa bench.
Sa kabilang panig, nanguna si Brice Sensabaugh sa Jazz na may 29 points, sinundan nina Ace Bailey (21 points), Kyle Filipowski (15 points), Keyonte George (14 points) at Cody Williams (10 points).
Ang Jazz ay nagsimulang maglaro ng malakas na nakapagtala pa ng 14 sa kanilang unang 18 three-point attempts, pero humina sa huling bahagi ng laro kung saan nakapagtala lamang ng 4 points sa huling 18 shots mula sa labas ng arc, dahilan ng kanilang ika-17 pagkatalo sa 22 games.
Habang ang Knicks ay nakabalik at nakuha ang kanilang unang lead mula pa sa unang quarter sa 93-92 matapos ang free throws ni Anunoby, bago tinapos ni Brunson sa isang three-point play.















