-- Advertisements --
image 25

Maghapong kanselado ang pasok sa mga eskwelahan sa buong probinysa ng Rizal, dahil pa rin sa masamang panahon.

Unang inanunsyo ni Rizal Provincial Governor Nina Ricci Ynares ang kanselasyon dahil sa maghapon at magdamag na pag-ulan nitong nakalipas na araw.

Batay sa naging kautusan ni Gov. Ynares, ang naturang kanselasyon ay applicable sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong probinsya.

Kahapon ay naitala ang malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng Rizal, kabilang na ang lampas tuhod na taas sa ilang bahagi ng Antipolo.