Binigyang-diin ng pamahalaan na gumanda ang kita o revenue ng gobyerno sa huling quarter ng taon.
Ayon sa Malacanang, dahil ito sa mga polisiya na ipinatupad ng pamahalaan para bumangon muli ang ekonomiya ng bansa.
Naging daan din para sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masigasig na pangangasiwa ng ekonomiya ng bansa upang pababain sa 3.71% ang fiscal gap noong Nobyembre 2022, batay sa ulat ng Bureau of Treasury.
Inaasahan naman ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang nasabing trend hanggang sa pagpasok ng susunod na taong 2023.
Maliban dito, may mga bagong investment din na inaasahang magpapalakas sa ating kalakalan at lilikha ng mga bagong trabaho.
Sa deal pa lang sa Indonesia, Cambodia, Singapore at Estados Unidos ay bilyon-biyong investment na ang tiyak na bubuhos.
Habang sa grupo ng mga negosyante sa Belgium ay posibleng mapaaga pa ang pagsisimula ng operasyon, dahil sa itatayong food hub sa Central Luzon area.










