Aminado ang Fil-American beauty queen mula Hawaii na simula pa lamang ng kanyang totoong laban sa buhay matapos tanghaling Miss Teen USA ngayong taon.
Pahayag ito ni Ki’ilani Arruda kasabay ng pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya lalo ng kanyang pamilya.
Standout ang naging performance nito sa question and answer portion kung saan naitanong sa kanya kung ano ba ang impact ng global pandemic sa kanyang buhay?
“What has experiencing a global pandemic taught you about life?”
Bagay na kanyang sinagot na mas na-appreciate raw nito na bigyan ng oras ang kanyang pamilya:
“Well, of course this global pandemic is very unprecedented and has taught me a lot about life. For me, it has especially taught me how to appreciate my family. I got to spend so much time with my family, my little sister, my little brother. I love them dearly, and I know that soon, in spring, I will be going into college, and I won’t have those precious moments to share with them. So really, it’s just to cherish those moments. And it’s so honorable I get to represent my home of Hawai’i, so just being at home is so wonderful.“
Si Ki’ilani ay 18-anyos na medical school student mula sa Stanford University na fan ng kababayan niyang half Pinay na si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.
“I’m a little biased. Of course, Catriona because I am half Filipino myself and her reign was so amazing, and I’ve always looked up to her as a role model,” saad nito sa dating panayam.
Samantala, angat din ang performance level ng anak ng isang Filipino war veteran na naging abot kamay ang Miss USA title.
Ito ay si Kim Layne mula sa estado ng Idaho na first runner up, habang mula sa Mississippi ang nanalo at siyang makaka-face off ng Ilongga beauty na si Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020.
Si Kim Layne ay isang public health veterinary medicine practitioner by profession na isa sa mga inabangan bilang frontrunner sa Miss USA lalo na ng Filipino community sa United States at dito sa Pilipinas.
Sa ngayon ay wala pang detalye kung saan at kailan gaganapin ang Miss Universe coronation ngayong taon.