-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Pumanaw na ang 68-anyos na beteranong newsman, environmentalist, sportsman at advocate ng libreng dialysis sa Baguio City.

Namatay si Ramon Santa Dacawi dakong alas-7:00 ng umaga ng Huwebes matapos ang matagal na paglaban sa kanyang kidney problem.

Ikinampanya ng dating chief ng Baguio Public Information Office ang free dialysis para sa mga kidney patients sa nakaraang tatlong taon bago ito pumanaw sa kaparehong sakit.

Nagsilbi din si Dacawi o kilala rin sa tawag na “Mondax” sa kanyang mga media colleagues bilang presidente ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC) na pinakalamaking grupo ng mga media practitioners sa Luzon.

Kinikilala din itong pillar former ng journalism sa Baguio City at inaalala ito dahil sa pangunguna niya sa eco-walk program para sa environment protection na kinilala ng United Nations sa 2002 Global 500 Cited Program nito.

Tumulong din si Dacawi sa maraming mga kidney patients sa pamamagitan ng pag-organisa nito ng mga concerts for a cause at pinangunahan niya ang kampanya para sa “Free Dialysis” Law mula sa Kongreso.