-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Muntik nang matuklaw ng makamandag na king cobra ang mga residente ng Purok 4 Brgy New Bohol Kidapawan City.
Ayon kay Analelita Alpas na agad nakita ng kanyang mga kapitbahay ang mahaba at malaking ahas di kalayuan sa kanilang tahanan.
Nagtulungan ang mga residente na hanapin ang King Cobra o Banakon.
Akma pa sanang manuklaw ang ahas ngunit naunahan na ito ng mga matatapang na kapitbahay ni Alpas at pinagtataga.
Matatandaan na may ilang residente na sa bayan ng Magpet at Makilala Cotabato ang nasawi dahil natuklaw ito ng King Cobra.