-- Advertisements --

Inalala ni King Charles III ang kaniyang butihing ina na namayapa na si Queen Elizabeth II.

Sa kaniyang kauna-unahang mensahe sa Buckingham Palace isang araw matapos ang pagpanaw ng 96-anyos na ina ay sinabi nito na hinding-hindi niya makakalimutan ang ina.

Pinasalamatan niya ang kaniyang mga mamamayan at maging ang buong mundo sa pagbibigay pugay sa namayapang ina.

Kasabay din nito ay inanunsiyo niya na ipapamana niya ang kaniyang titulo na Prince of Wales sa panganay na anak nito na si Prince William at manugan na babae na si Kate na magiging Princess of Wales.

Umaasa ito na ipagpapatuloy ng anak ang mga mabubuting ginagawa nila.