-- Advertisements --

Hiniling ni King Abdullah II ng Jordan kay US Secretary of State Antony Blinken na isulong ang tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas militants.

Sa ginawang pagbisita ni Blinken sa Jordan ay nagbabala ang nasabing hari sa anumang negatibong resulta ng patuloy na kaguluhan sa Gaza.

Iginiit nito ang malaking papel ng US para sa pagsulong ng tigil putukan sa Gaza.

Nagkasundo ang dalawa ng patuloy na mahigpit ng ugnayan para mapanatili ang humanitarian assistance.