-- Advertisements --

Nauwi sa pormal na kaso ang matagal nang napapabalitang alitan sa pagitan ng magkapatid na Kim Chiu at Lakambini “Lakam” Chiu, matapos magsampa ang actress-host ng criminal complaint for qualified theft kaugnay ng umano’y serious financial discrepancies sa kanilang negosyo.

Kasama ni Kim ang kanyang mga abogado nang magsumite siya ng reklamo, sworn statement, at mga ebidensya sa Office of the Assistant City Prosecutor sa Quezon City.

Hindi pinangalanan ng legal counsel ni Kim kung anong negosyo ang sangkot, pero sinabi nilang involved dito ang matagal nang pinag-uusapang bag business ni Kim at Lakam.

Sabi pa ng kampo ni Kim, ang nawawalang pondo ay “substantial amounts connected to her business assets.”

Kinumpirma rin nila na maraming beses na sinubukan ng pamilya na ayusin ang kanilang problema internally, ngunit nauwi pa rin sa pagsasampa ng pormal na reklamo.

Ayon sa ulat nabatid na si Lakam ay bahagi ng management ng naturang negosyo ng magkapatid.

Emosyonal naman si Kim, kung saan sinabi niyang pinili niya ang transparency, accountability, at protektahan ang kumpanya at mga empleyado nito.