Sinubukan ng Hongkong government na makiusap sa kanilang mamamayan na hindi ito ang tamang panahon para pairalin ang galit at magsagawa ng kilos-protesta.
Kasunod ito ng unti-unting pagbalik sa normal ng buhay sa naturang estado matapos ang pagbaba ng coronavirus cases na halos limang buwan nitong kinaharap.
Ayon sa gobyerno, masyado na raw nahihirapan ang ekonomiya ng Hongkong dahil sa dinaranas nitong coronavirus pandemic.
Sa naganap na kilos-protesta kamakailan ay halos 230 katao ang inaresto ng mga otoridad dahil sa di-umano’y paglabag sa social distancing regulations na umiiral sa Hongkong.
Isa rin sa mga dahilan na muling nagpa-alab sa galit na nararamdaman ng mga taga-Hongkong ay ang isinusulong na “Chinese national anthem” bill.
Sa ilalim ng panukalang ito ay magiging krimen ang anomang uri ng pambabastos sa pambansang awit ng China at ang sinoman na mapatutunayang lumabag dito ay makukulong ng hanggang 3 taon.









