ROME – Samu’t saring Pro-Ukraine demonstrations ang nagsulputan sa buong mundo ngayong araw, matapos na magsagawa ng kilos protesta mula London hanggang New York kahit sa Tehran para kondenahin ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Magugunita na kasunod nang hakbang Moscow sa Ukraine ay ilang Western countries na ang nagpataw ng sanctions laban sa Russia, na ang ilan ay direkta mismo laban kay Russian President Vladimir Putin.
Sa Switzerland, ilang libong tao ang nagtipon-tipon, kabilang na ang nasa 1,000 sa labas ng European headquarters ng United Nations sa Geneva.
Panawagan nila na magkaroon ng matinding aksyon mula sa gobyerno sa halip na ang tradisyunal na manatili lamang sa “neutral” stance.
Mahigit 3,000 katao naman ang nagtipon sa French city ng Strasbourg, kung saan ang Council of Europe human rights organizations.
Bitbit nila ang mga placards kung saan tinawag nilang mamamatay-tao si Putin.
Mayroon ding mga kilos protesta sa Paris, Motpellier at Marseille.
Sa katabing bansa ng Russia na Finland, ilang lingong tao rin ang nagtipon sa capital ng bansa na Helsinki.
Nasa 3,000 katao rin ang nagtipon sa Vienna, bitbit naman ang mga placards na may nakasulat na dapat nang ihinto ang giyera. (Agence France-Presse)