-- Advertisements --
Muling sumiklab ang kilos protesta sa Greece ilang linggo matapos ang madugong pagbanggaan ng dalawang train na ikinasawi ng 47 katao.
Nagtungo ang mga protesters sa syntagma Square sa Athens kung saan matatagpuan ang parliament builiding.
Ito ay nanawagan sila na mararapat na may managot pa.
Nakulangan kasi ang mga protesters na pagsampa ng kaso sa apat na railway officials.
Inaresto rin ng mga otoridad ang 10 protesters matapos na pagbabatuhin nila ang mga nakabantay na kapulisan.
Magugunitang nagbitiw sa puwesto ang transport minister ng Greece ilang araw matapos ang aksidente.










