-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pangungunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa ang pagbibigay ng Posthumous Award kay Police Captain Efren Espanto Jr., pinuno ng reconnaisance company ng Regional Mobile Force Batallion.

Si Espanto ay napatay sa engkuwento sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng rebeldeng grupo sa Zone 7, Barangay Aglobong, Janiuay, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office 6, sinabi nito na kasabay ng seremonya mamayang hapon, ipapalabas din ang resulta ng autopsy examination kay Espanto.

Ayon kay Malong, bukas, Pebrero 16, nakatakdang dalhin ang bangkay ni Espanto sa kanilang lugar sa La Carlota City, Negros Occidental.

Inihayag ni Malong na maliban sa Financial Assistance at Posthumous Award, makikipagpulong din si PNP Chief Gamboa sa pamilya Espanto.