-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang shoe designer na si Brian Tenorio sa edad 42.
Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na babae na si Christine.
Sa kaniyang social media account, sinabi nito na hindi nito na nakayanan ang pakikipaglaban sa colon cancer.
Matapos kasing nag-graduate sa Ateneo de Manila University, ay kumuha ito ng Master’s degree sa Design Management sa Pratt’s Institute at nag-internship sa United Nations sa New York.
Pagbalik nito sa bansa noong 2011 ay nagtrabaho bilang consultant ng Asian Development Bank sa World Health Organization.
Nagtayo rin siya ng KapeTayo isang coffee brand.
Itinaguyod din nito ang LGBT Chamber of Commerce.