-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang film director na si Francis “Jun”Posada sa edad na 76.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Susan Kelly Posadas sa pamamagitan ng kaniyang social media post kung saan bigla na lamang itong nawalan ng malay habang nagbebenta sa kanilang tindahan.
Dinala pa ito sa Our Lady of Pillar Hospital sa Imus, Cavite subalit hindi na umabot ng buhay.
Nakilala ang direktor sa mga pelikula gaya ng “Lulutang Ka Sa Sarili Mong Dugo”, “Ambush”, “Bawal Na Gamot”, “Ganti ng Puso ” at maraming iba pa.
Nakaburol ang mga labi niya sa La Sapinoso Grand Chapel sa Imus, Cavite.