-- Advertisements --
Inamin ng beteranong basketball guard ng Gilas Pilipinas na si Kiefer Ravena na bumaba na ang morale ng koponan dahil sa apat na sunod na pagkatalo sa 2023 FIBA Basketball World Cup.
Sinabi nito na bilang tao ay normal lamang na makadama ng pagbaba ng morale dahil sa wala silang naipanalo kahit na isa sa mga laro.
Kahit na ganito ay hindi pa rin ito nawawalan ng tsansa sa pagharap ng Gilas Pilipinas laban sa China.
Sinabi nito na kahit na tuluyang nawala na ang kanilang tsansa sa Olympic 2024 matapos na magwagi ang Japan kontra Venezuela ay desidido ang koponan na talunin ang China.
Matapos kasi na natalo ang Gilas Pilipinas sa South Sudan ay susunod na makakaharap nila ang China.