-- Advertisements --

Patay matapos madakip sa operasyon ang suspek na sinasabing dumukot sa ilang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Kinilala ang nasawing suspek na si Leo Dela Fuente sa safehouse nito sa Marilao, Bulacan.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, miyembro ng malaking kidnapping group si Dela Fuente na target ang mga opisyal ng gobyerno.

Nagsanib pwersa sa operasyon ang mga operatiba ng NCRPO at Philippine National Police – Highway Patrol Group (HPG).

Kung maaala, dati ng inamin ng PNP na iniimbestigahan nila ang insidente ng pag-kidnap sa 15 mayamang opisyal ng BIR.