-- Advertisements --

DAVAO CITY – Walang aasahang pinsala sa magnitude 4.7 na lindol sa silangang bahagi ng Kiblawan, Davao del Sur, pasado alas-2:00 kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa 16 kilometro ang lalim nito at “tectonic in origin.”

Base sa instrumental intensities, nasa Intensity 3 ang naramdaman sa Kidapawan City; Koronadal City; Tupi, South Cotabato; at Malungon, Sarangani.

Habang Intensity 2 sa Alabel, Sarangani; at intensity 1 ang General Santos City.

Aasahan na mararanasan pa rin ang aftershock sa lalawigan.

Kung maaalala, isa rin ang nasabing lugar sa mga nakaranas ng malalakas na lindol noong nakaraan taon kung saan maraming residente ang naapektuhan.