-- Advertisements --
Hindi pa rin masisilayan ng mga NBA fans ang dalawa sa veteran superstars sa Game 2 bukas ng Western Conference finals.
Kinumpirma kasi ng Los Angeles Clippers na patuloy pa rin sa kanyang pagpapagaling sa injury ang All-Star forward na si Kawhi Leonard, gayundin ang Phoenix Suns All-Star guard na Chris Paul bunsod naman ng COVID protocols.
Kung maalala hindi rin nakalaro kahapon ang dalawa nang makuha ng Suns ang unang panalo sa Game 1.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin kinukumpirma ng Phoenix Suns ang nangyari sa 36-anyos na si Paul kung ito ba ay nagpositibo sa COVID o kaya nagkaroon ng close contact sa isang COVID carrier.
Ang two-time NBA Finals MVP na si Kawhi ay magdiriwang ng kaarawan next week at mag-30-anyos na.