Nagbabala si New Yorlkstate governor Andrew Cuomo hinggil sa inflammatoy syndrome na nararanasan ng mga batang infected ng coronavirus disease.
Nabatid sa nakalap nitong reports na 73 kaso ng mga bata ang nagpapakita ng sintomas na kahalintulad umano ng Kawasaki disease.
Ayon kay Cuomo, nagpositibo rin ang mga menor-de-edad na ito sa coronavirus kung saan ang tatlo ay pumanaw na.
Hindi raw nagpakita ang mga ito ng sintomas ng naturang sakit noong dinala sila sa ospital.
Patuloy namang aalamin ng mga eksperto kung may kinalaman ang nasabing sakit sa nakamamatay na virus.
Dagdag pa ni Cuomo, nakikipag-ugnayan na raw ang state officials sa Centers for Disease Control and Precention (CDC) para i-check kung mayroong naitalang parehong kaso ang ibang estado.