-- Advertisements --

Naglabas na si US President Joe Biden ng kaniyang proposed spending plan na umaabot sa $6 trillion kabilang dito ang karagdagang singil sa buwis ng mga mayayamang mamamayan ng Amerika.

Sa proposed annual budget ni Biden, naglaan ito ng $1.5 trillion para sa annual operating expenditures ng Pentagon at iba pang government departments, $2.3 trillion para sa jobs plan at $1.8 trillion para sa families plan.

Isa sa mga sentro ng proposal ni Biden ang bago at malalaking social program at investments para sa kampaniya sa climate change kung saan
mahigit $800 billion ang inilaang pondo para sa climate change campaign kabilang ang investments sa clean energy, $200 billion para sa libreng pre-school, $109 billion para sa dalawang taong free community college sa lahat ng americans, $225 billion naman sa national paid family at medical leave progam, $115 billion sa kalsada at tulay, $160 billion sa public transit and railways at $100 billion sa brodband internet.

Sa ilalim ng naturang budget plan, aabot sa 117% ng GDP ang debt sa taong 2031 sa kabila ng $3 trillion na propsed tax increase.

Binatikos naman ito ni Republican Senator Lindsey Graham at sinabing insanely expensive ang panukalang budget ni Biden.