-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Inilunsad na ang kauna-unahang ‘organic vegetable honesty stand’ sa bayan ng La Trinidad, lalawigan ng Benguet.
Ayon kay Municipal Agriculture Officer Felicitas Ticbaen, ang honesty stand ay isang double-door chiller na naglalaman ng mga freshly processed at ready-to-eat highland veggies.
Aniya, walang magbabantay sa nasabing store at ang paraan ng pagbayad ay magbabase sa katapatan ng buyer dahil walang mag-a-assist sa pagbayad ng kustomer.
Dahil dito, hinihikayat ni Ticba-en ang mga buyers ng honesty store na magdala sila ng barya para makapagbayad sila ng tamang halaga.
Ilalagay ang nasabing honesty stand sa loob ng municipal hall ng La Trinidad.