-- Advertisements --
Inaasahang libo-libong katao ang dadalo sa pinaplantsang kauna-unahang indoor rally ng kampo ni President Donald Trump.
Gagawin ang campaign rally sa loob ng Xtreme Manufacturing sa Henderson, Nevada.
Ikinabahala naman ng karamihan ang nasabing plano ng Trump administration dahil lalabagin nito ang umiiral na restriction sa nasabing estado.
Mahigpit kasing ipinagbabawal ang social gathering na aabot sa 50 katao o higit pa.
Matagal nang isinusulong ni Trump ang pagsasagawa ng campaign rallies kahit nasa gitna pa ng coronavirus crisis ang Estados Unidos.
Aniya mas nakaka-connect daw kasi ito sa kaniyang mga taga-suporta kaysa sa kaniyang ginagawa sa Washington, DC na isinisisi naman nito sa mababang poll numbers na kaniyang nakuha.










