NAGA CITY – Maituturing umano ni Rev. Fr. Jerick Banzuela Rodriguez ang kanyang sarili bilang pinakamalaking hadlang sa kanyang hangarin na maging pari.
Matatandaan na si Fr. Jerick ang pinakaunang Bikolanong pari na maninilbihan sa Cathedral of Urgell sa Catalonia, Spain.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Fr. Jerick, sinabi nito na dumating umano ito sa puntong nakaramdam ng pagdududa kung para talaga sa kanya ang bokasyon sa pagka-pari.
Ayon pa kay Fr. Jerick, nagsimula siyang manilbihan bilang sakristan sa Sto. Domingo Church Parish sa probinsiya ng Albay noong 9-anyos pa lamang ito at pumasok sa Major Seminary sa Our Lady of Nazareth sa Silang, Cavite noong 14-anyos.
Sa ngayon, payo na lang ni Fr. Jerick sa mga seminarista na kung mayroong pagdududa, lagi lang magdasal sa Diyos at lahat ng bagay magiging malinaw.
Nakatala naman na ordinahan si Fr. Jerick sa darating na Hunyo 24, 2022.