CAUAYAN CITY- Natagpuang wala nang buhay ang isang agta na hinihinalang nalunod sa Pinacanauan river sa Barangay Maligaya, Palanan, Isabela.
Ang biktima na si Kutay Salazar, 60 anyos, mangingisda, binata at residente ng Barangay Disucad, Divilican, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Palanan Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ukol sa pagkakatagpo ng bangkay ng biktima sa gilid ng ilog na agad nilang tinugunan.
Batay anya sa pagsusuri sa doktor sa katawan ng biktima ay hindi nakakitaan ng anumang senyales na may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.
Lumabas din sa pagsusuri ng doktor na lango sa nakalalasing na inumin ang biktima na maaring naging sanhi ng kanyang pagkalunod.