Ipinag-utos na ng Bureau of Jail, Management and Penelogy (BJMP) ang pagpapalaya kina sa dalawang Aetacna kinasuhan dahil umano sa sa pagkamatay ng isang sundalo sa naganap na engkwentro noong 2020.
Kasunod ito ng pagbasura ng isang korte sa Olongapo City sa kasong terorismo laban sa dalawang Aeta na sina Japer Guru alyas Ka Jepoy at JuniorvRamos alyas Jaypee sa ilalim ng ipinatutupad na kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.
Sa desisyon ni Presiding Judge Melani Fay Tadili ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 97, dismissed o ibinasura na ang mga kaso laban sa dalawa.
Ang dalawa ay inakusahang miyembro ng New Peoples Army (NPA) at kinasuhan dahil sa pagkamatay ng isang sundalo.
Ayon kay Judge Tadili, bigo ang prosekusyon na patunayan na ang mga akusado ang mga nasa likod ng pagkasawi ng sundalo, sa ilalim ng Section 4 ng Anti-Terrorism Act.
Hindi rin daw “consistent” ang mga pahayag ng mga sundalo at mga testigo, na nagsabing nakita nila sina Gurung at Ramos sa nangyari bakbakan.