-- Advertisements --

Inirekomenda ng Mandaluyong Proseutors na ibaba ang indictment ng suspek sa hit and run incident sa isang security guard mula sa kasong frustrated homicide sa halip na frustrated murder.

Sa limang pahinang resolution, sinabi ng prosecutors na mayroong sufficient cause para ma-indict sa kasong frustrated murder si Jose Antonio Sanvicente.

Dahil sa kasong paglabag sa talata (2) ng Artikulo 274 ng Revised Penal code, nakita ng naturang tanggapan ang parehong dyametriko na salungat o hindi magkatugma sa mga findings ng frustrated homicide.

Matatandaan na noong June 6 nangyari ang pagsagasa sa biktimang security guard na si Christian Joseph Floralde.

Naunang kinasuhan si Sanvicente ng frustrated murder at abandonment of One’s Own Victim o paglabag sa Articcle 275 ng revised Penal Code.

Subalit ayon sa piskalya, hindi aniya qualify bilanh offense sa pagpatay ang naturang krimen na maaaring na-perpetrated sa pamamagitan ng paggamit ng motor vehicle.

Ibinasura din ng prosecutors angkasong abandonment of persons in danger and one’s own victim dahil sa kawalan ng probable cause.