-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagpursige na maging abogado si Atty. Myra Baranda para sa nagahasa at napatay niyang malapit na kaibigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sinabi ni Baranda, Rank 3 sa 2019 Bar Examination, na minsan na siyang nawalan ng gana na maging abogado pero nabago ito nang magahasa at mapatay ang kanyang malapit na kaibigan na si Laesybil Almonacid.

Ayon kay Baranda, nadiskobre na lang ang bangkay sa Barangay Bascaran, Daraga, Albay, Nobyembre noong 2011.

Nabatid na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nasosolusyunan ang kaso at hindi pa napapanagot sa batas ang mga may gawa ng krimen.

Ayon kay Baranda dahil sa insidente lumakas ang kanyang determinasyon upang makapagtapos nang abogasya, makapasa sa Bar Exam at maging abogado upang mabigyan na hustisya ang kanyang kaibigan.

Samantala, hindi pa nakakapagdiwang ang kanilang pamilya sa nakuhang malaking karangalan dahil sa lockdown kaugnay ng coronavirus disease.