-- Advertisements --
image 83

Dumoble pa ang kaso ng dengue sa buong bansa sa unang quarter ng 2023.

Ayon sa data mula sa DOH-Disease Surveillance Report, lumalabas na nasa 27, 670 dengue cases ang naitala mula Enero 1 hanggang Marso 18.

Ayon sa health officials ang bilang ng mga dinadapuan na naitala sa unang 11 linggo ngayong taon ay nasa 94% o halos dalawang beses na mas mataas kumpara sa 14,278 na naitala noong parehong period nong nakalipas na taon.

Sa parehong period noong 2022, nakapagtala ang DOH ng 100 nasawi dahil sa dengue 0.70% case fatality rate.