Naniniwala ang isang infectious disease specialist na posibleng umabot sa 200,000 ang mga kaso ng dengue sa bansa sa buong taon, kung saan 500 hanggang 1,000 ang tinatayang mamamatay kapag hindi masusunod ang mga istratehiya kontra sa sakit.
Sa datos mula sa Department of Health (DOH), nasa 64,797 na ang mga naitalang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, mas mataas ng 90 porsyento kumpara sa 34,074 sa kaparehong panahon noong 2021.
Sinabi ni epidemiologist at infectious disease specialist na si Dr. Eric Tayag na umabot na sa 274 ang namatay sa dengue ngayong taon.
Nasa 20 porsyento ng tinatamaan ng dengue ay mga bata, edad 5 hanggang 9-anyos.
Dahil dito, isinusulong ng DOH ang 4S strategy kontra dengue na kinabibilangan ng SEARCH AND DESTROY ; SELF-PROTECTION MEASURES; SEEK EARLY CONSULTATION ; SUPPORT FOGGING/SPRAYING ONLY IN HOTSPOT AREAS