-- Advertisements --
Tumaas ng 8,032 ang kaso ng COVID-19 sa bansa mula Nobyembre 21 hanggang 26.
Ayon sa Department of Health (DOH) na mayroong average na 1,147 na kaso ng COVID-19 ang naitatala sa kada araw o 0.3 percent na mas mataas kaysa sa kasong naitala mula Nobyembre 14 hanggang 20.
Aabot din sa 17 ang nasawi mula Nobyembre 14 hanggang 27.
Para naman sa intensive care unit (ICU) utilization ay mayroong 21.6 percent o 526 sa kabuuang 2,430 na bed ang ginagamit at ang non-ICU beds naman ay nasa 25.2 percent o 5,169 sa 20,508 beds.
Nitong Lunes lamang kasi ay mayroong 1,083 na bagong kaso na ang bagong gumaling ay mayroong 937 habang mayroong 14 na bagong bilang na nasawi.










