-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health-7 na hindi nakitaan ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa rehiyon sa mga nakalipas na linggo.

Sinabi ni Department of Health-7 Director Dr. Jaime Bernadas na as of May 2, may kabuuang 627 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Central Visayas kung saan 17 ay mga bagong impeksyon.

Dagdag pa, wala umanong alarming admission sa mga ospital dito dahil sa nasabing sakit.

Gayunpaman, patuloy pa ring hinikayat ni Bernadas ang publiko na magpabakuna lalo na ang mga senior citizen dahil madali pang kapitan ang mga ito ng sakit.

Nasa 62 percent pa lang umano ang vaccination rate para sa mga senior citizen dito.

Kaugnay naman sa vaccination coverage sa rehiyon, nabakunahan na ang humigit-kumulang 89 porsyento na kabuuang target na bilang.

Sinabi pa nito na ang rehiyon ay may buffer stock na 1 milyong dosis na COVID-19 vaccines na Pfizer at Sinovac.