-- Advertisements --

Ibinasura ng korte ang kasong isinampa sa bandang Nirvana ng isang lalaki na nag-akusa sa banda ng child pornography.

Nagbunsod ang kaso sa album cover ng banda na “Nevermind” kung saan makikita ang isang sanggol na nakahubad habang inaabot ang pera sa ilalim ng swimming pool.

Ang nasabing sanggol noon an si Spencer Elden ay nagsampa ng kaso ng exploitation sa banda.

Ayon kay US district judge Fernando Olguin ng Los Angeles, na naghintay pa ng matagal si Elden bago nito magsampa ng kaso.

Aabot pa aniya sa 10 taon ng malaman nito tungkol sa nasabing album cover.

Kinasuhan niya dito ang miyembro ng banda na sina Dave Grohl, Krist Novoselic at asawa ng lead vocalist nila na si Kurt Cobain na si Courtney Love.

Kabilang din na kinasuhan ang ilang record labels at photographer na si Kirk Weddle.

Noong 2003 ng ininterview si Elden at 12 anyos siya noon ay sinabi niyang magsasampa siya ng kaso.

Taong 2016 ng magpatattoo ito ng cover ng “Nevermind” sa kaniyang dibib subalit noong ito ay malaki.

Sa tatlong kaso ay ibinasura ng korte ang kaso ay pinayuhan na lamang ito na huwag ng magsampa ng ikaapat na kaso.