-- Advertisements --

Pormal ng iniatras ang kasong manslaughter laban sa actor na si Alec Baldwin.

Ayon sa New Mexico court na kanilang ibinasura na ang kaso pero patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagkamatay ng cinematographer na si Halyna Hutchins.

May mga bagong forensic analysis na maaring magamit sa preliminary hearing na magsisimula sa Mayo.

Hindi naman ibinasura ang criminal case laban kay Hannah Gutierrez-Reed ang incharge bilang armorer na siyang responsable sa mga armas na ginagamit sa mga pelikula.

Magugunitang napatay ng actor si Hutchins habang ginagawa ang pelikulang “Rust” kung saan hindi akalain ng actor na mayroong laman na tunay na bala ang ginamit nitong baril sa pelikula.