-- Advertisements --
Ipinakilala sa publiko ng actress na si Karina Bautista ang kaniyang non-showbiz boyfriend.
Sa social media account nito ay nagpost ito ng larawan kasama ang nobyong si Manny Billiones.
Ang nasabing nobyo ay isang hockey coach at isang taon na umano ang relasyon nila.
Nagkakilala ang dalawa dahil sa naging coach niya ang nobyo habang ito ay naglalaro ang actress ng hockey.
Inamin ng actress na nakatanggap ito ng pambabatikos matapos na akusahan siya na habol lamang nito ang yaman ng nobyo.
Huling nagkarelasyon ang actress ay noong 2019 sa isang non-showbiz boyfriend na nagtagal sila ng apat na taon.