
Iginiit ng isang mambabatas na dapat na trabahuin ng pamahalaan ang patiyak na hindi na mangyayari pa ang malagim na trahediyang dinanas ng Pinay OFW na si Jullibbee Ranara mula sa kamay ng anak ng kaniyang employer sa kuwait.
Ito ang binigyang diin ni House Committee on Overseas Affairs chairperson at Kabayan Rep. Ron Salo na pinuri din ang naging desisyon ng korte ng Kuwait na i-convict si Turki Ayed Al-Azmi na suspek sa pagpatay kay Ranara.
Ang hatol na ito ayon sa mambabatas ay isang malinaw na mensahe na ang krimen laban sa mga Pilipino migrant workers ay hindi hahayaang hindi maparusahan.
Saad pa ng mambabatas na dapat ipagpatuloy ng gobyerno ng PH ang pakikipagtulungan sa international community para tiyakin ang seguridad at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa.
Nitong gabi ng Huwebes, inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs na senentensiyahan ng hanggang 15 taong pagkakakulong ng korte ng Kuwaiti ang killer ni Ranara para sa kasong murder at isang taon para sa pagmamaneho nang walang lisensiya.
Matatandaan na noong Enero 21 ng kasalukuyang taon nang madiskubre ng mga awtoridad sa Kuwiat ang bangkay ni Ranara na bahagyang nasunog at inilibing sa isang desyerto.










