Mas marami pang residente ng Metro Manila ang makakatanggap ng ayuda dahil maglalabas pa ang national government ng karagdagang P278 million para sa financial assistance sa National Capital Region (NCR) na kasalukuyan ay nasa ilalim ng enhanced community qurantine hanggang sa Agosto 20.
Ayon kay Budget Officer-in-Charge at Undersecretary Tina Canda, posibleng ngayong araw o bukas, Agosto 13, 2021 ilalabas ang naturang pondo.
Kahapon lang kasi din nila natanggap ang kopya ng approval mula sa Office of the President hinggil sa karagdagang pondo para sa ayuda sa mga residenteng apektado ng ECQ sa NCR.
Nauna nang nagpahayag ng kanilang pagkabahala ang mga alkalde sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng pondo para sa ayuda na kanilang natanggap nang magsimula ang rollout noong kahapon, Miyerkules.
Magugunita na ang inilabas na pondo ng DBM kamakailan para sa financial assistance sa NCR ay nagkakahalaga ng P10.89 billion.
Sinabi rin ni Canda na mayroon na ring notice of approval para naman sa financial assistance sa Laguna at Bataan, at posibleng ngayong araw o bukas din ito masisimulang maipamahagi.
Pero, ang Tuguegarao, na nasa 10-day lockdown, ay hindi naman aniya kasama sa mga nabigyan ng alokasyon.
Ang Iloilom Gingoog, at Cagayan De Oro ay mayroon na rin namang approved budget para sa cash aid.
Patuloy naman din aniya silang maghahanap nang pagkukuhanan ng pondo pra sa ayuda sa iba pang mga lugar na nasa ECQ.