Karagdagang mahigit 500,000 pang AstraZeneca COVID-19 vaccines na binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national government ang dumating kaninang umaga sa Pilipinas.
Pasado alas-9:20 ng umaga dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dumating ang 575,800 doses ng bakuna, na sinalubong pa mismo nina vaccine czar Carlito Galvez at Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.
Mas marami pang AstraZeneca vaccines na binili ng private sector ang inaasahan na darating sa susunod na linggo.
Sa kabuuan, sa ngayon, mahigit 42 million COVID-19 vaccine doses na ang dumating sa Pilipinas magmula noong Pebrero.
Hindi pa kasama rito ang inaasahang 15,000 doses pa ng Sputnik V na inaasahan ding darating ngayong araw.