-- Advertisements --
image 104

Magpapadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office ng karagdagang isanlibong mga family tents sa Bicol Region, para sa mga evacuees na apektado sa pag-alburuto ng Bulkang Mayon.

Ayon sa DSWD, ito ay bilang karagdagang paghahanda sa posibilidad na i-akyat sa Alert level 4 ang estado ng Bulkang Mayon.

Batay sa datus ng ahensiya, mahigit 400 na family tents ang nasa DSWD Region 5 na ipinapagamit sa mga pamilyang inilikas mula sa bayan ng Sto. Domingo, ALbay.

Posibleng dadagdagan din ito ng ahensiya kung makikita ang labis na pangangailangan.

Ayon sa DSWD, malaki ang pangangailangan ng mga family tents sa nasabing lugar dahil sa hindi ligtas ang unang lokasyon ng temporary shelter na pinaglagyan sa mga evacuees dahil sa ito ay nasa gilid ng kalsada at gawa sa light materials.

Maliban sa mga family tents, una na ring ipinag-utos ni DSWD Sec Rex Gatchalian ang agarang deployment ng second wave ng mga family food packs para sa buong ALbay.