BUTUAN CITY – Patuloy pa ang ginawang evaluation and assessment ng Surigao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga naitalang danyos at mga injuries matapos yanigin ng magnitude 5.5 na lindol kaninang alas-4:42 ng madaling araw sa bayan ng Carrascal, Surigao del Sur.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Surigao del Sur PDRRMO officer Abel de Guzman na kasama sa mga bayan na kanilang mino-monitor ay ang Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan at Carrascal.
Base sa initial reports na kanilang natanggap, may mga cracks ang dingding ng mga simbahan sa bayan ng Lanuza at Carmen at bumigay din ang kisame.
Samantala sa Madrid District Hospital, nangahulog din ang iilan sa kanilang mga gamit gaya ng mga computer monitors, mga medisina, at mga oxygen tanks at nasira din ang sahig ng kanilang emergency room at ibang parte ng ospital.