-- Advertisements --
Minamadali na raw ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-hire ng karagdagang tauhan ng bureau ngayong papalapit na ang Christmas season.
Sinabi ni BI Dana Sandoval, dahil aabot na raw sa 86 na personnel ng BI ang nadawit sa Pastillas scam ay kulang ang mga ito ng personnel sa ngayon.
Kaya naman nais nilang magkaroon ng ng kapalit ang kanilang mga tauhan at agad maihabol na mai-deploy ngayong Christmas season.
Aasahan naman daw na posibleng magkaroon ng moderate o bahagyang pagdami ng pasahero ngayong Kapaskuhan.
Dahil dito, muling nagpaalala si Sandoval sa mga pasahero na panatilihin pa rin ang social distancing sa mga airport at sundin ang minimun health protocol.