NAGA CITY – Patay ang isang Barangay Kapitan matapos ma heat stroke habang nasa gitna ng pangangampaya sa lungsod ng Naga.

Una rito, naglibot sa buong lungsod ang line-up ni Vice Mayor Nelson Legacion na tumatakbo bilang alkalde sa lungsod sa pamamagitan ng isang motorcade.

Kasama sa nasabing motorcade si Kapitan Marcelo Bagadiong ng Tabuco, Naga City.

Matapos ang paglilibot, pasado alas-11:00 ng tanghali kahapon ng bawian ng buhay ang opisyal.

Ayon sa pamilya ng biktima, ang mga ugat sa ulo umanong pumutok nang dahil sa labis na init ang naging dahilan ng pagkamatay ng naturang kapitan.