-- Advertisements --

Patay ang nakababatang kapatid ni Abu Sayyaf leader Hatib Hajan Sawadjaan matapos makasagupa ng militar sa Patikul, Sulu.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-Wesmincom) commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang nasawing teroristang si Nanz Sawadjaan.

Batay sa ulat, nakubkob ng 41st Infantry Battalion ang kampo ng grupo nina Almujer Yadah, Ben Tattoh at Apo Mike sa Brgy. Langhub.

Aabot sa 40 terorista ang nakaharap ng militar sa nasabing engkwentro.

“Our troops remain persistent in tracking down and neutralizing the remaining terrorists,” ani Sobejana.

Ayon sa heneral, malaking tulong ang komunidad sa matagumpay na operasyon ng militar laban sa teroristang Abu Sayyaf na siyang nagbigay ng impormasyon.