-- Advertisements --
Binigyang-diin ni Senadora Grace Poe na ang kapalaran ng SIM Registration Law ay nakasalalay ngayon sa sama-samang karunungan ng mga mahistrado ng Korte Suprema.
Aniya, nagsumikap ang mambabatas nang husto at nakipaglaban para sa pagpasa nito sa layuning iwasan ang mga scam at spam na nakapangbibiktima sa publiko.
Dagdag pa, at kung minsan aniya ay nakapagdudulot pa ng mga pagkalugi sa pananalapi at nalalagay sa panganib ang kaligtasan ng mga tao.
Ang batas ay nagpasimula ng sapat na mga safeguards na magpapatunay sa consumers’ rights to privacy habang tinitiyak ang isang ligtas at secure na paggamit sa mobile.
Iginagalang din ng mambabatas ang proseso ng mataas na hukuman sa pagtalakay sa petisyon.